MAY dagdag-presyo ang Petron Corp. at Solane sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) products simula kahapon, Nobyembre 1.
Sa isang abiso, sinabi ng Petron na magtataas sila ng presyo ng LPG ng P0.30 bawat kilo. Ang price increase ay katumbas ng pagdagdag ng P3.30 para sa isang standard 11-kilogram tank.
Magtataas din ang kompanya ng presyo ng kanilang AutoLPG ng P0.20 bawat litro.
Nagsimula ang price adjustments 12:01AM nitong Biyernes, Nobyembre 1.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of November,” pahayag ng Petron.
Sa kabilang banda naman, sinabi rin ng Solane na magdaragdag ng presyo ang kanilang LPG ng P0.24 kada kilo, na naging epektibo rin nitong Nobyembre 1 ng 6AM.
Nakita sa huling datos ng Department of Energy, ang standard 11-kilogram ng LPG cylinder ay nagkakahalaga ng P600 hanggang P695.
Comments are closed.