SA IKA-6 na sunod na linggo ay magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro sa P0.75 hanggang P0.85 kada litro ang dagdag-presyo sa diesel at gasolina.
Namumuro naman ang taas-presyo sa P0.85 hanggang P0.95 sa kada litro ng kerosene.
Noong nakaraang Martes, Disyembre 15, ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng P0.60 dagdag sa kada litro ng diesel, P0.50 kada litro sa gasolina at P0.55 kada litro sa kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na ipinatutupad kinabukasan.
Comments are closed.