TAAS-PRESYO SA PETROLYO SA SUNOD NA LINGGO

PETROLYO-11

NAG-ABISO ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produkto ng petrolyo simula Martes, Agosto 20.

Ayon sa Caltex at Petro Gazz, ang oil price hike ay nasa P0.75 sa diesel at P0.50 sa gasolina at kerosene.

Narito ang taas-pres­yo ng langis ng Caltex at Petro Gazz:

Diesel—P0.75 kada litro; Gasoline—P0.50 kada litro; Kerosene —P0.50 kada litro.

Ipinaliwanag  ng mga eksperto sa industriya na ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay resulta ng pag-usad ng trade talks sa pagitan ng US at China pati na ng paghina ng piso kontra dolyar.

Comments are closed.