MATAPOS ang rolbak noong mga nakalipas na linggo ay may nakaamba naman ngayong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga taga-industriya, inaasahang mula P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel at kerosene.
Samantala, P0.20 hanggang P0.30 naman ang tinatayang taas-presyo sa gasolina.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na ka-nilang ipinatutupad kinabukasan.
Comments are closed.