TAAS-SAHOD NG COMELEC EMPLOYEES ISINUSULONG

Senate President Tito Sotto III

ISINUSULONG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagtataas ng sahod at benepisyo sa mga kawani ng Commission on Elections.

Ayon kay Sotto, ilang dekada ng hinihiling ng Unyon ng Comelec ang patas na sahod sa kanilang trabaho na panahon na upang maibigay sa kanila.

Dahil dito, inihain ni Sotto ang Senate Bill 2082 na layon na maisakatuparan ang matagal na kahilingan ng mga kawani ng naturang ahensiya ang pagtataas ng sahod sa mga empleyado upang maiwasan na ang pagkakasangkot sa katiwalian lalo na’t nalalapit ang halalan.

Sa ilalim ng panukalang batas, may 5,000 kawani ng Comelec ang makikinabang o makakatanggap ng mga benepisyo.

Mayroon na ring counterpart ang naturang panukalang batas sa Kamara na inihain ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at iba pang kongresista.

Layunin din ng panukala ni Sotto na i-institute ang regional at provincial offices at  hatiin  ang National Capital Region (NCR) sa limang administrative districts. VICKY CERVALES

Comments are closed.