MULI na naman magbabayad ng dagdag-singil sa koryente ang mga customer ng Manila Electric Co. (Meralco), na nasa ikatlong buwan nang sunod ngayong Abril.
Ayon sa Meralco, ang overall electricity rates ay itataas sa P10.5594 per kilowatt hour, na dagdag na ng 6.33 centavos mula sa P10.4961 per kilowatt hour (kWh) noong Marso.
Nangangahulugan ito ng pataas na adjustment ng P13 sa total bill ng isang tipikal na sambahayan na kumokonsumo ng 200 kilowatt hours.
Ang pataas na adjustment ay pangatlo sunod na buwan ng pagtataas-singil matapos na ang presyo ay tumaas noong Pebrero at Marso.
Ayon sa Meralco, ang pataas na adjustment ngayong buwan ay dahil sa mas mataas na generation charges na nadagdagan ng 3.49 centavos per kWh.
“The generation charge increase is primarily due to higher charges from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM) and the weakening of the peso against US dollar,” sabi ng power producer.
Comments are closed.