TAAS-SINGIL SA KORYENTE NAKAAMBA

KORYENTE-3

INANUNSIYO ng Meralco na nagbabadyang tumaas ang singil sa koryente sa susunod na buwan.

Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa sunod-sunod na pagsasailalim sa yellow at red alert ang Luzon grid.

Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na dahil sa pagsasa­ilalim sa yellow at red alert ay tumataas ang bentahan ng koryente sa spot market na isa sa pinagkukunan ng suplay ng koryente ng Meralco.

Magugunitang umabot pa hanggang hatinggabi ang naranasang manipis na reserbang koryente.

Dagdag pa ni Zaldarriaga, may malaking epekto rin ang mataas na demand sa koryente dahil sa mainit na panahon kaya mas inaasahan ang pagtaas ng singil ng koryente sa Mayo.               DWIZ 882

Comments are closed.