TAAS-SINGIL SA KORYENTE NGAYONG DISYEMBRE

KORYENTE-5

INANUNSIYO ng Me­ralco na magkakaroon ng pagtaas sa singil ng koryente ngayong buwan ng Disyembre.

Nasa P0.304 kada kilowatt hour (kWh) ang dagdag-singil na ipatutupad ng Meralco sa bill ng Disyembre dala umano ng pagmahal ng koryente sa spot market dulot ng serye ng mga yellow alert sa Luzon sa nakalipas na buwan.

Ang pagsasailalim ng Luzon grid sa yellow alert ay hudyat ng pagnipis ng suplay ng reserbang kor­yente.

Katumbas ang dag­dag-singil ng P60.80 para sa mga kabahayang kumukonsumo ng 200 kWh, P91.20 sa konsumong 300 kWh, P121.60 sa 400 kWh, at P152 sa 500 kWh.