TAAS-SINGIL SA KORYENTE, PETROLYO NAKAAMBA

PETROLYO-KORYENTE

BUKOD sa dagdag-singil sa koryente, nakaamba ang taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo. Ito ang patong-patong na sasalubong sa mga kon­s­yumer, ayon sa report.

Kinumpirma na ng Meralco kamakailan na magkakaroon sila ng pagtaas sa singil sa kor­yente para sa parating na bill sa Pebrero.

Tinatayang nasa P0.57/kwh ang magi­ging patong sa presyo ng Meralco.

Halimbawa, ang mga kumokonsumo ng 200 kwh ay may dagdag na P114 pesos na singil.

Depensa ng Meralco, nagkasabay-sabay kasi ang outages o pansamantalang paghinto ng operasyon ng malalaking power plants bilang pag­hahanda sa darating na summer at sa halalan.

“Sinabi rin namin na noong nagdaang buwan na ine-expect na natin ito sapagkat bumalik na sa normal ang halaga ng kor­yente matapos ang isang one-time-big-time reduction noong Enero,” paha­yag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Base sa unang apat na araw na trading sa world market, posibleng may oil price hike na papalo sa P0.60 hanggang P0.65 sa kada litro ng diesel at higit P1 sa gasolina.

Wala pa sa komputas­yon ang fuel excise tax na ipinapatupad na ng ilang gasolinahan.

Ngayong Pebrero inaasahan na halos lahat ng gasolinahan ay magpapatupad na ng dagdag-buwis base sa kanilang bagong imbentaryo.

Sa ngayon, nasa 20 porsiyento pa lang ng kabuuang bilang ng retail stations sa bansa ang nag-abiso sa Department of Energy na naniningil na sila ng fuel excise tax.

Comments are closed.