BUKOD sa buwan-buwang dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG), inaasahan ding sasalubong sa Enero 2025 ang taas- singil sa tubig at koryente.
Noong Miyerkoles ay inihayag ng MWSS ang nakatakdang pagtaas sa singil sa tubig simula Enero 2025 sa P2.12/cubic meter para sa Maynilad at P3.25/cubic meter sa Manila Water.
Habang dagdag-singil din sa koryente ang inaasahang sasalubong sa mga consumer sa susunod na buwan o sa Enero 2025.
Sa datos ng Energy Regulatory Commission, nasa 12 centavos kada kilowatt hour ang madaragdag sa singil sa koryente sa mga consumer sa Luzon sa loob ng tatlong buwan.
Habang anim na buwan namang mayroong 3 centavos kada kilowatt hour na dagdag-singil sa mga consumer sa Visayas at Mindanao
Ang dagdag-singil ay kasunod ng pagpayag ng ERC na marekober sa mga customer ang mahigit P3 bilyon na ancillary services ng National Grid Corporation of the Philippines na dapat ay nasingil ng ahensiya noon pang Pebrero.
Subalit noong Marso, taong kasalukuyan, sinuspinde ng ERC ang billing and settlement co-optimized energy and reserve sa 0 dahil sa kuwestiyon sa inaprubahan ng ERC na price determination methology.
Subalit nang matapos ang deliberasyon ay inaprubahan na ang koleksiyon ng P3.05 billion na katumbas ng 70% ng recalculated reserve trading amount.