TAAS-SINGIL SA TUBIG NGAYONG OKTUBRE

TUBIG-13

SIMULA ngayong Oktubre ay tataas ang singil sa tubig kasunod ng pag-apruba sa rate hikes na hiniling ng Manila Water Company at ng Maynilad Water Services, Inc.

Sa isang pahayag, inanunsiyo ng board of trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pag-apruba nito sa foreign currency differential adjustments para sa water rates sa fourth quarter ng taon.

Ang Manila Water na nagsusuplay sa east zone ng Metro Manila ay magpapatupad ng ₱0.69 per cubic meter (cu.m.) increase, katumbas ng 2.43 percent ng average basic charge nito na nasa ₱28.52/cu.m. Mas mataas ito sa ₱0.52 per cu.m. increase na ipinatu-pad noong July-September.

“Those consuming 10 cu.m. or less would see their monthly bill add ₱0.93 per month, while those using 20 cu.m. and 30 cu.m. in a month will see an increase of ₱2.06 and ₱4.20, res­pectively,” ayon sa Ayala-led concessionaire.

Samantala, ang Maynilad customers ay magkakaroon ng ₱0.13 per cubic meter increase sa kanilang bayarin, o negative 0.35 percent ng kanilang average basic charge na ₱36.24/cu.m.

“Those using less than 10 cubic meters will add ₱0.09 on their monthly dues, those consuming 20 cubic meters will spend ₱0.34 more, while those billed with 30 cubic meters in a month will spend ₱0.70/cu.m,” sabi ng MWSS.  CNN PHILIPPINES

Comments are closed.