POSIBLENG hindi na matuloy ang nakaambang taas-singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon.
Ito ay kasunod ng pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore arbitration ruling na nag-aatas sa gobyerno na magbayad ng 7.4 billion pesos sa Manila Water at 3.4 billion pesos sa Maynilad.
Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty, pinakikiusapan nila ang dalawang water concessionaire na huwag munang ituloy ang water rate hike.
Nitong Martes, sumulat na ang Manila Water sa MWSS para makipag-usap kung kailan ipatutupad ang taas-singil sa tubig.
Nabatid na bahagi ng rate rebasing ang ipinatutupad na taas-singil ng Maynilad at Manila Water, na nagaganap kada limang taon.
Comments are closed.