TABAKO IBENTA SA LISENSIYADONG TRADERS

TABAKO-2

LAOAG CITY – UMAPELA ang National Tobacco Administration (NTA) kamakailan sa mga tobacco grower ng rehiyon na ibenta ang kanilang produkto sa mga lisensiyadong manga­ngalakal lamang para masiguro ang parehas na presyo sa merkado.

Ipinaliwanag ni NTA officer-in-charge Luzviminda Padayao na mayroong dalawang NTA-licensed buying stations sa Batac City at sa bayan ng Currimao, kung saan puwede silang mag-alok ng kanilang produkto.

“We have no control over cowboys/traders who are going to villages to buy tobacco leaves. These NTA-licensed buying stations are being monitored through the use of prescribed trading forms such as purchase invoice vouchers (PIVs) and certificate of purchase,” lahad niya sa isang panayam kamakailan.

Bago magbukas ang trading season, nagsagawa ang regulation department ng ahensiya ng ilang serye ng miting at orientation seminars para pag-usapan  ang kasalukuyang trading si­tuations at iba  pang mga alalahanin sa panga­ngalakal sa mga mami­mili ng tabako at para obserbahan ang pro­seso ng pagbili sa trading floor.

Nagbigay ng payo si Padayao sa pagtitipon ng mga magsasaka sa pro­binsiya sa Aurora Park ng Laoag kamakailan na umapela sa mga awtoridad na dagdagan ang pres­yo ng tabako ngayong anihan.

Sinabi naman ni Genaro dela Cruz, kinatawan ng Alyansa Dagiti Mannalon iti Ilocos Norte, sa isang panayam na ang presyo ay dapat madagdagan ng hanggang PHP128 bawat  kilo bilang resulta ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, na nakaapekto sa kanilang gastusin sa produksiyon.

Ang kasalukuyang presyo ng tobacco ay nasa PHP60 hanggang PHP75 bawat kilo.

“This is a five-day protest expressing our sentiments and we are starting here in Laoag,” ani dela Cruz, sabay diin na ang ibang grupo ng magsasaka sa Ilocos Sur hanggang La Union ay magsasagawa rin ng protest rally.

Ayon sa Farm and Technology Services Department of NTA, ang tobacco growers ay puwedeng kumita ng average na PHP70,000 net income kada ektarya kung sila ay papasok sa isang contract-growing scheme na suportado ng gobyernong lokal.

“Tobacco is the only crop that gives me a decent source of income for my family. So I appeal to the government to continue giving its support to tobacco growers like me,” sabi ni Alvin Bilgera, na nagsimulang mag-ani ng tabako sa kanyang sakahan sa  Agtangao, Bangued, Abra noong nakaraang linggo.

Umaasa rin siya na ang kalidad ng dahon ng tabako ay makapagbibigay ng mataas na grado at makahihingi ng mataas na presyo sa trading center.    PNA

Comments are closed.