TABLE TENNIS BUHAY SA CFBCI CUP

TABLE TENNIS

PINANGUNAHAN ni multi-titled Jann Nayre ang Team Huanching sa pagkopo ng kampeonato sa Open Division ng Chinese-Filipino Business Club, Inc. (CFBCI) Table Tennis Invitational Cup nitong weekend sa Lucky Chinatown and Megaorld Lifestyle Mall sa Binondo, Manila.

Kasama sina Stephen Jaca at Eljay Tormis, ginamit ng 25-anyos na si Nayre ang karanasan bilang veteran internationalist at miyembro ng National team, para gapiin ang grupo nina Justin Chen, Alvin Sevilla, John Michael Castro at Ruiz Arc Marcelino ng UST-Type One Glass sa torneo na itinataguyod ng Table Tennis Association for National Development (TATAND), sa pamumuno nina Peter Lam at Charlie Lim at suportado ni sports godfather Stephen Techico.

Tumapos na second runner-up ang Triple Charles-Phil Army nina Charlie Lim, George Quijano, Homber Tiongson at dating PH player na si Julius Esposo, gayundin ang Philippine Navy nina JD Sugatan, Sean Sabay, Francis Bendebel at Paul Que.

Sa Class B, nagwagi sina Waldner Mercado , Jd Nominador at Walter Rebugio ng Baycliff Phil. laban sa Heasman squad nina Rey Reg, Yves Reg, Michael Aguna at Gab Presbitero, habang magkasosyo sa second runner- up ang ADMU-1 nina Arman Castillo, France De Asis, Jamie De Asis at Nestor Estrella, at ang CMSTC na binubuo nina Michael Herrera, RJ Chuaquico, John Henry Pacis at Mark Jason King .Nangibabaw naman sa Veterans/Executive division ang Ace squad na kinabibilangan nina Peter Lam, Philip Uy, Michael Dalumpines at Henry Ding. Tumapos na runner-up ang Dobinson nina Jayson Jaquilmo, Richmond Ong, Marcos De Jesus at Richard Koa, habang tabla sa second runner-up ang Baycliff nina Benjie Bombay, Danny Panaguiton, Rey Reg at Jeje Marcelino at Tiple Charles-Phil. Army nina Charlie Lim, George Quijano, Julius Esposo at Gregorio Pascua.

– EDWIN ROLLON