TABORA KUMIKIKIG SA BOWLING WORLD CUP

Krizziah Tabora

UMISKOR si Krizziah Tabora ng Filipinas ng six-game series na 1194 pinfalls upang pumang-10 sa pagsisi­mula ng Bowling World Cup international finals  noong Lunes sa Palembang, Indonesia.

Si Tabora, ang international ladies titlist, dalawang taon na ang nakalilipas sa Hermosillo, Mexico, ay nagtala ng 199, 203, 211, 181, 208 at 192 sa average na 100.

Ang men’s entry ng bansa, si 20-year-old Merwin Tan, ay nasa ika-23 puwesto makaraang tumipa ng 1198 sa 6 games. Si Tan, nagtapos sa ika-11 puwesto sa kumpetisyon noong nakaraang taon sa Sam’s Town sa Las Vegas, Nevada, ay nagtala ng 183, 225, 210, 200, 191 at 189.

Pinangunahan ni Francis Louw ng South Africa ang men’s field na may 1345 habang bumandera si Natasha Roslan ng Malaysia sa ladies’ division na may 1306.

May 73 men at 60 women ang nagbabakbakan para sa prestihiyosong world crown, kung saan tangan ni legendary Paeng Nepomuceno ang ka-rangalan bilang nag-iisang bowler na nagwagi ng men’s title ng apat na beses.

Ang mga kalahok ay sasalang sa anim na laro araw-araw sa loob ng apat na araw kung saan ang top 24 bowlers sa bawat division ay aabante sa second stage.

Comments are closed.