MAKARAANG mabigo sa una niyang pagsabak sa Olympic Games sa Brazil, muling tatangkain ni Miguel Tabuena na makapasa sa qualifying at makalaro sa Tokyo.
Sinabi ng dating Philippine Open champion na gagawin niya ang lahat para makapasa sa qualifying kontra mga bigating katunggali.
Todo ensayo si Tabuena sa driving range para sa kanyang paghahanda sa qualifying sa hindi pa malamang golf course sa Tokyo.
Umaasa ang National Golf Association of the Philippines at si Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez na makakapasa si Tabuena sa qualifying at madagdagan ang mga Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Inamin ni Tabuena na mahirap at maliit ang kanyang tsansa dahil malalakas at world-class ang mga kasali sa qualifying subalit hindi, aniya, siya nawawalan ng pag-asa.
“I don’t promise anything because of the toughness of the competition featuring world class golfers. Gagawin ko ang lahat para makapasa sa qualifying and play again in the Olympics,” wikaTabuena.
“Maraming hindi inaasahan na nangyayari sa golf kaya walang nakasisiguro,” sabi pa ni Tabuena.
Nanalo si Tabuena sa Philippine Open sa Luisita at itinanghal PSA Athlete of the Year kasama sina world boxing champions Nonito Donaire at Donie Nietes.
Matagal na hindi nilaro ang golf sa Olympic Games at ibinalik noong 2016 sa Brazil matapos katigan ng International Olympic Committee. CLYDE MARIANO
Comments are closed.