TACO BELL TINABLA NG MEXICO

ANG Taco Bell ay isang American-based chain ng fast food restaurants na si­nimulan sa Irvine, California noong 1962, ng founder na si Glen Bell. Ito ay subsidiary of Yum! Brands, Inc. Nag-o-offer ang mga restaurant nila ng iba-ibang variety ng Mexican-inspired na pagkain tulad ng tacos, burritos, quesadillas, nachos, novelty at specialty items, pati na rin ilang klase ng “value menu” items. Noong 2018, abot sa mahigit billion customers ang pumapasok sa 7,072 nilang restaurants bawat taon, kung saan ang 93 percent ay owned and operated ng mga independent franchisees and licensees.

Binili ng PepsiCo ang Taco Bell noong 1978, at pagkatapos na-integrate ang mga restaurants nito bilang Tricon Global Restaurants, na later ay pinalitan ang pangalan sa Yum! Brands. Pero sa maniwala kayo o hindi, hindi tinangkilik ang Taco Bell sa Mexico dahil nalilito ang mga Mexicans sa Americanization ng kanilang traditional cuisine.

May Taco Bell na rin sa Pilipinas at ang sikat na $5 box nito (P250) ay may lamang Crunchy Taco, Soft Taco, Beefy 5-Layer Burrito or Bean and Cheese Burrito. Side: Chips & Nacho Cheese Sauce or Cinnamon Twists. Drink: Medium fountain drink.

Kakaiba ang Taco Bell dahil binibigyan nila ng karapatan ang mga customer na gumawa ng sarili nilang combo meals sa halagang P250.

Tinawag nila itong $5 “Build Your Own Cravings Box,” na available sa lahat ng Taco Bell restaurants.– SHANIA KATRINA MARTIN

104 thoughts on “TACO BELL TINABLA NG MEXICO”

  1. 974473 606364Oh my goodness! a fantastic post dude. Thank you Even so I will probably be experiencing issue with ur rss . Dont know why Can not subscribe to it. Will there be any person acquiring identical rss dilemma? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 12694

Comments are closed.