BINIGYAN ng tactical and safety equipment ang mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office na makakatulong sa pagpapatrulya.
Ang distribution ng naturang mga kagamitan na kinabibilangan ng bullet proof vest, full set rig belt at police baton ay pinangunahan ni PCol. Felipe Maraggun, PNP Provincial Director.
Inaasahan na malaki ang maitutulong ng mga nabanggit na equipment upang mas mapalakas at mapaigting ang police assistance, response, public safety at crime prevention sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa hepe ng Rizal PPO, mas magiging mahusay ang kampanya laban sa kriminalidad kung may kumpletong gamit ang mga kapulisan para sa pagpapanatili ng peace and order.
RUBEN FUENTES