PAMPANGA – PORMAL nang sinimulan ang SWAT Fit Tactical Game 2 sa Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Biyernes, araw na tatagal hanggang ngayong Linggo.
Kabilang dito ang mga SWAT teams mula sa iba’t ibang Provincial at City Police Stations sa gitnang Luzon, kasama ang Quezon City Police District (QCPD).
Ang kompetisyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng PRO3 sa Pragmax, sa pangunguna ng kanilang CEO na si Ms. Marjorie Velarde.
Layon ng aktibidad na higit pang paigtingin ang taktikal na kakayahan, pisikal na katatagan, at mental, disiplina ng mga Special Weapons and Tactics (SWAT) units.
Sa loob ng tatlong araw, sasabak ang mga kalahok sa iba’t ibang hamon at senaryong idinisenyo upang masukat ang kanilang husay at kahandaan sa pagsugpo ng high-risk na operasyon.
Bukod dito, ang SWAT Fit Tactical Game 2 ay naglalayon naman na palakasin ang kooperasyon at pagpapalitan ng kaalaman sa pagitan ng mga SWAT teams.
Sinabi ni PRO3 Regional Director BGEN Redrico A Maranan,m na ang SWAT Fit Tactical Game ay isang mahalagang pagkakataon para sa ating mga SWAT units upang higit pang mapaunlad ang kanilang kasanayan.
Sa tulong ng mga kaalyado tulad ng Pragmax, nais natong tiyakin na ang bawat miyembro ng SWAT ay handang tumugon sa anumang hamon para sa kapayapaan at seguridad ng ating komunidad.
Bukod sa pagpapahusay ng taktikal na kakayahan, ang aktibidad na ito ay bahagi rin ng paghahanda ng PRO3 sa darating na halalan.
Nanatid na ang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa panahon ng eleksyon ay isa sa mga pangunahing layunin ng kompetisyon, upang matiyak na ang ating SWAT teams ay handang tumugon sa anumang sitwasyong maaaring mangyari sa ating kapaligiran.
THONY ARCENAL