TAEKWONDO OLYMPIC QUALIFYING ILILIPAT

Taekwondo

SA HARAP ng  banta ng 2019 novel coronavirus ay nakatakdang ilipat ang taekwondo Olympic qualifying sa ibang bansa mula sa Wuxi, China.

Ito ang napag-alaman ng PILIPINO Mirror kay Philippine Taekwondo Association secretary Lena Denna na nagsabing pinag-aaralan pa ng mga organizer kung saan ililipat ang qualifying na gaganapin sa Abril.

Ayon kay Denna, malalaman kay PTA executive Hong Sung Chon ang mga bagong kaganapan pagbalik nito sa Lunes mula sa Seoul, South Korea.

“Pinag-aaralan pa saan bansa paglilipatan. We will know from Mr. Hong after his arrival on Monday,” aniya.

Nakatakdang lumahok sa qualifying para sa 2020 Tokyo Olympics sina Brazil Olympian Kirstie Elaine Alora, Filipino-American Samuel Thomas Harper Morrison, Arvin Alcantara, Kaye Barbosa, Pauline Lopez, at Liza Aragon.

Huling naglaro si Alora sa Olympics sa Brazil kung saan bigo ang Pinay na  masungkit ang mailap na medalya.

Inamin ni Hong na mabigat ang pagdadaanan ng mga Pinoy bago makarating sa Tokyo.

“They have to ­exert extra efforts, walk the extra mile and utilize all available resources from their arsenal to make it,” wika ng 69-anyos na Korean.

Labindalawang Pinoy jins na ang su­mabak sa Oympics mula nang unang laruin ang taekwondo noong 2000 sa Sydney.

Kasama sa mga Oympian sina Monsour del Rosario, Stephen Fernandez, Walter Dean Vargas, Roberto Cruz, Tshomlee Go, Donald Geisler, Bea Lucero, Mary Alindogan, Eva Marie Ditan, Jasmin Strachan at Mary Antoinette Rivero. CLYDE MARIANO

Comments are closed.