GOOD day mga kapasada!
Damang-dama na ng mga kapasada ang pagbabago ng klima. Alinsangan sa buong maghapon at medyo may kalamigan sa madaling araw.
Ang pabago-bago ng timpla ng panahon ay bunga ng nalalapit na pagsapit ng kinatatakutang EL NIÑO—mahabang tagtuyot na pipinsala sa ating mga pananim, pagkaiga ng mga pintungan ng tubig (dam) at ‘di nga kasi, ang pagkawasak ng malawak na bukirin likha ng nagbabadyang problema.
Maraming dulot na implikasyon sa buhay ng tao ang sobrang init ng panahon. Una rito sa mga han-apbuhay sa paggulong sa lansangan upang mamasada para matustusan ang pangangailangan ng mag-anak.
Higit na apektado kung lubhang mainit ang panahon ang mga nasa taxi driver industry.
Maraming driver ang tumatanggap ng mga puna sa kanilang pasahero dahil imbes na lamig ay init ang ibinubuga ng kanilang airconditioning unit. E, ano pa nga ba ang magagawa ni pobreng driver kundi ang huminto sa pamamasada at dalhin sa airconditioning shop ang kanilang taksi upang maiwasan ang maraming patutsada ng mga pasahero.
Sa pakikipanayam kay G. Francisco Guarin sa kanyang talyer sa Sucat, Parañaque City, binanggit nito na may ilang bagay na gusto niyang iparating sa mga taxi driver para magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa airconditioning system ng kanilang panghanapbuhay na sasakyan.
Narito ang ilan sa mahalagang payong kanyang inihayag tungkol sa airconditioning unit ng sasakyan sa panahon ng summer tulad ng:
1. Kakaibang amoy o ang masamang amoy na nalalanghap mula sa inyong air conditioning system ay likha sa bacterial build-up (natitipong dumi) sa airconditioning unit.
Kapag hindi ginamit ang air conditioning system lalo na kung malamig ang panahon, ang mga dumi (bac-teria), micro-organism, mold at fungi (amag) ay dumarami at kumakalat sa likod ng dash panel sa may evaporator (isang component ng air conditioning unit) ng sasakyan.
Ito ang pinagmumulan ng masamang amoy (unpleasant odors). May mga ginawang pagsasaliksik ang mga expert sa trade na ito ayon kay G. Guarin na nagpapahiwatig na nagreresulta ito sa pagkakaroon ng sakit ng ulo, flu na ang sintomas na tinatawag na “sick car syndrome.”
Ipinaliwanag ni G. Guarin na ang lunas sa ganitong problema ay sa pamamagitan ng paggamit ng tina-tawag na anti-bacterial treatment na sumusugpo sa pagdami ng bacterial growth na namumuo sa sys-tem at nagbibigay ng mabangong amoy (fresh odor) sa sasakyan.
2. Kung hindi lumalamig sa nais na kasukdulan ang inyong sasakyan, kailangang ito ay ipa-service o ipa-recharge ang air conditioning system.
Karaniwan aniya, karamihan ng sasakyan ay nawawalang ng hanggang 15 porsiyento ng refrigerant ka-da taon.
Ang leak (tagas) na ito ay maaaring nanggagaling sa hindi paggamit ng air conditioning unit kapag tag-ulan o malamig ang panahon.
Ang maliliit na o-ring seals o goma na natuyo at umurong, (ang mga seals o goma na ito ay naapektuhan ng lubhang malamig na temperatura) ang nagiging sanhi ng gradual na pagkasira ng performance ng buong air conditioning system.
3. Karaka-rakang bigyan ng ibayong pansin kung may marinig na kakaibang ingay na nanggagaling sa air conditioning system at iwasan iyong tinatawag na “maniana habit” o saka na na lang.
Kapag nakarinig ng hindi pangkaraniwang ingay kapag inyong pinatakbo ang inyong air conditioning sys-tem, makabubuting patingnan kaagad sa isang qualified o competent airconditioning technician o spe-cialist.
May ingay na maaaring nagbabadya ng pagkasira ng compressor. Ito ay isang parte (component) ng air conditioning system na pinakamahal na palitan.
Kapag ito aniya ay nag-seize up at ang hearing sa compressor ay bumigay, maaaring ma-contaminate ng metal particles ang buong system na kakailanganing i-flush ang buong system; at kakailanganing palitan din ang ilang pang components (parts) ng air conditioning system tulad ng:
a. evaporator
b. condenser
c. receiver/drier
d. orifice tube at
e. expansion valve.
Para kay G. Guarin, naging kasangguni, marami pong salamat.
PRANGKISA NG PUV NOT FOR SALE
Nanawagan kamakailan si Senator Grace Poe sa ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagka-kaloob ng prankisa ng mga PUV na imbestigahan ang nefarious activities ng ilang taong nagpapakilalang connected sa ilang transportation officials who ask operators and drivers to shell out hundreds of thousand cash for the release of their franchise na dapat namang wala itong bayad at libre.
Ayon kay Senator Poe, kung mayroon mang mangungolekta mula sa Land Transportation and Franchis-ing Board, ito ay walang katotohan at bawal iyon.
Kung may ganitong kaso ng pagsingil na ginagawa ang mga taga LTFRB, dapat na isumbong kaagad ang mga ito sa authority para masampahan ng kaso ang sino man sa mga ito, panawagan ni Senator Poe.
Ipinagunita ni Senator Poe sa kinauukulan na ang public franchise for public utility vehicles (PUVs) ay hindi sumisingil ng exurbitant fees na aabot sa halagang Php150,000.
Ayon kay Senator Poe, chairman ng senate public services committee na walang binabayarang prankisa sa government dahil ito aniya ay isang pribilehiyo na binibigay ng pamahalaan kung karapat-dapat bigyan ng prankisa ang kinauukulan.
Nilinaw ni Senator Poe na tanging Administrative costs lamang ang binibigyan ng kaukulang resibo.
Ang ganitong pahayag ay ginawa ni Senator Poe matapos makarating sa kanyang atensyon sa panahon ng senate hearing na umano ay mayroong certain individual na nagsasabing mayroon siyang malakas na koneksiyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang humihingi sa mga PUV opera-tors ng halagang PHP250,000 upang sila ay maka pag-apply ng franchise.
Sa kabilang dako, nagpalabas naman ang LTFRB ng isang advisory na nagsasaad na ang naturang PUV franchise are not for sale and it does not allow outsider o mga fixers na makialam sa regular processing ng pagpapalabas o pagkakaloob ng prankisa.
IKONDISYON ANG SASAKYAN BAGO BUMIYAHE SA HOLY WEEK
Sa isang hasik pandayan (seminar) na dinaluhan ko nitong ilang araw ang nakalipas na itinaguyod ng Samahang Bedans sa BF Homes Parañaque City sa pamumuno ni Bogs Bayon, kanilang tinalakay ang taunang paglalakbay sa iba’t ibang pook sa Katimugang Tagalog na karaniwang pinagdarayo ng nama-manata sa panahon ng Semana Santa.
Ang Samahang Bedans ay binubuo ng car owners na sa tuwing sasapit ang mga araw na pangilin ay sama-samang naglalakbay sa mga pook na karaniwang dinarayo ng mahilig magdaos ng kanilang R & R (rest and recreation) para mabigyan ang kanilang mga sarili na makapag-relax matapos ang maraming araw na nakababad sila sa kani-kanilang propesyon.
Sa naturang seminar, tinalakay ang mga paksang makatutulong sa mapayapa at ligtas na paglalakbay upang maging lubos at maiwasan ang labis na pagkasiphayo (frustration) sa panahon ng kanilang bi-yahe.
Sa pamamagitan ng kanilang kasangguning Mechanic sa katauhan ni G. Jun Feliciano ng Toto Motor Shop, nagbigay ito ng mga pangkaligtasang tips upang makatiyak ng matiwasay na paglalakbay.
Kabilang sa mga tips ni Mang Jun ang mga sumusunod tulad ng:
1. Basic inspection ng mga brakes, pang-ilalim na components tulad ng:
a. ball joints
b. tie rods
c. drive shafts
d. sway bar links at mga bushings
e. struts at
f. shock absorber.
2. Tiyakin na nasa wastong specification ang mga gulong gaya ng kahingian na nakatala sa manufactur-er’s manual at huwag ding kalilimutan maging ang spare tires ay pawang nasa magandang kondisyon.
Idinagdag ni Mang Jun na makabubuti rin kung magpapa-wheel alignment bago lumarga sa mahabang paglalakbay.
3. Tiyakin din na may mga basic tools sa inyong trunk, booster, pang-repair ng gulong at mga repair kit.
4. Magdala rin ng emergency kit na ang laman ay tulad ng mga sumusunod”
a. flash light
b. jumper cables o booster
d. gloves
e. lubid (rope) at
f. first aid kit
5. Kapag nakaramdam ng pagkapagod o kaya ay pag-aantok, huwag mag-atubiling tumigil muna sa pagmamaneho at iparada ang sasakyan sa isang ligtas na pook at magpahinga o kaya naman, kung may kasamang marunong magmaneho ay siya munang papagmanehohin.
6. Tiyakin na ang lahat ng nakasakay ay may proper identification upang kung mayroong mangyari ay mayroong pagkakakilanlan sa kanila. (photos mula sa lonelyplanet.com, pakwheels.com, trav-elblat.com at yourmechanic.com)
LAGING TATANDAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.