HINDI na nagiging sapat ang suplay ng tubig sa bansa, ayon kay Manila Water Head of Corporate Communications Department Dittie Galang.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Galang na nagkukulang na ang water suplay sa Angat Dam na isa sa pinagkukunan ng kanilang kompanya para makapaghatid ng serbisyo sa mga konsyumer.
Ayon kay Galang, gumagawa na sila ng hakbang kabilang na ang augmentation sources, mga portable treatment plant, deep wells rehabilitation; at treatment plant mula sa Laguna Lake habang hinihintay pa ng pamahalaan ang isa pang major water source na ipapalit sa Angat Dam.
Bukod dito, pinaghahandaan na rin nila ang mga buwan kung saan naitatala ang matinding tag-init sa bansa.
Iginiit naman ni Galang na hindi pa nila nakikita na may malaking pagbaba sa singil sa tubig na mararanasan ang kanilang mga customer.
DWIZ 882