TAGA-ABRA BAWAL SA BAGUIO AT SAKOP NG CAR

BAGUIO CITY -MAHIGPIT na ipagbabawal sa mga residente sa 27 bayan sa lalawigan ng Abra na pumasok sa Baguio City at sa iba pang lalawigan na sakop ng Cordillera Administrative Region upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 new variant ( B117) sa nasabing lalawigan.

Pansamantalang itinigil ng Abra provincial government ang issuance ng travel passes sa mga maglalakbay patungong Baguio City, Benguet, at sa iba pang lalawigan sa Cordillera region.

Sa pahayag ni Abra Governor Ma. Jocelyn Bernos, ipinagbawal sa mga residente sa 27 bayan sa lalawigan ng Abra dahil kinumpirma ng DOH- Cordillera na may 12 kaso ng new COVID strain (B.1.1.7) variant sa Bontoc, Mountain Province habang isa naman sa La Trinidad, Benguet noong Biyernes.

Nabatid na 17 bagong kaso ng UK variant ay natukoy ng DOH noong Biyernes kung saan karamihan ng new cases ay kumalat sa Mt. Province at La Trinidad, Benguet.

Base sa tala, ang new COVID strain (B.1.1.7 ) ay mas madaling makahawa kung saan unang na-detect sa United Kingdom bago nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pasaherong lalaki at babae mula sa United Arab Emirates noong nakalipas na dalawang Linggo ng Enero 2021.

Hinikayat naman ni Bernos ang mga residente sa 27 bayan sa lalawigan ng Abra na maging mapagmatyag at sundin ang local health protocols upang labanan ang pagpasok ng B117 variant sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO

Comments are closed.