TAGA-CRIME LAB NA PULIS, PAMILYA NASUNOG

sunog

ULILANG lubos na ang isang taong gulang na anak, habang sabay-sabay namatay sa sunog ang kaniyang mga magulang na isang pulis at go­vernment employee gayundin ang dalawang kapatid sa Marikina City.

Kinilala ang mga nasawi na sina PO3 Romar Sumait, 27-­anyos, ama ng tahanan at isang pulis na nakatalaga sa Kampo Krame, ang maybahay nito na si Glenda  Lee Sumait, 28, empleyado ng Assesors office Marikina,  ang kanilang dalawang ­supling na sina Kaiser Lee Sumait, 6, at si Kenjie Saye Sumait, 3, habang nakaligtas naman ang bunso nilang anak dahil naiwan umano sa lola ng gabing maganap ang sunog, pawang residente ng Col. Divino St., Sto. Niño, Marikina City.

Nabatid na dakong alas-3 ng madaling-araw ng sumiklab ang apoy sa isang burger restaurant at kumalat sa apat na katabing bahay na gawa sa light materials, kabilang na ang tahanan  ng mga biktima.

Balot  ng grills ang buong bahay ni Sumait at wala ring fire exit, dahilan para ma-trap siya at ang kaniyang pamilya.

Kasalukuyang iniimbestigahan  ang sanhi ng halos 50-minutong apoy na tumupok sa  apat na kabahayan.

Hinihinalang  electrical problem dahil umano sa naiwang nakasaksak na freezer. REA SARMIENTO/ ELMA MORALES

Comments are closed.