TAGA-DIPOLOG, INSTANT MILYONARYO SA LOTTO!

MEGALOTTO

INIANUNSIYO ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang ma­suwerteng mananaya mula sa Zamboanga Del Norte ang naging instant milyonaryo  matapos na magwagi sa MegaLotto 6/45.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, P24,320,079.80 ang napanalunan ng lucky bettor matapos nitong mahulaan ang six-digit winning combination ng MegaLotto 6/45 na 34 – 03 – 09 – 10 – 08 – 32.

Ani Garma, ang lucky ticket ay nabili ng lucky bettor sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Pinayuhan naman ni Garma ang masuwerteng mananaya na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa punong tangga-pan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang valid IDs, gayundin ang kanyang lucky ticket.

Samantala, mayroon namang 11 mananaya ang pinalad na magwagi ng second prize na tig-P32,000; 639 na nagwagi ng third prize na tig-P1,000 at 12,333 na nakakuha ng balik-taya o tig-P30.

Kaugnay nito,  walang pinalad na makahula sa 29 – 10 – 06 – 08 – 35 – 46 na winning combination ng UltraLotto 6/58 na binola rin ng PCSO nitong Biyernes ng gabi, kaya’t walang nakapag-uwi sa katumbas nitong jackpot prize na P67,248,568.80.

Inaasahan naman na higit pang lalaki ang naturang premyo kaya’t hinikayat niya ang publiko na tumaya na at tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa mga kababayan nating na­ngangailangan ng tulong medikal. ANA ROSARIO HERNANDEZ

10 thoughts on “TAGA-DIPOLOG, INSTANT MILYONARYO SA LOTTO!”

  1. 942370 30234jobs for high school students – Search for Jobs on our website, we provide several great links to the very best and biggest Portals to finding a Job as a high school student! 82554

  2. 269683 861676Good weblog! Only problem is im running Firefox on Debian, and the internet site is looking a little.. weird! Maybe you might want to test it to see for yourself. 678025

  3. 458150 122105Hello there! I could have sworn Ive been to this blog before but following checking by way of some with the post I realized it is new to me. Anyhow, Im undoubtedly glad I located it and Ill be bookmarking and checking back often! 303889

Leave a Reply

Your email address will not be published.