TAGA-MARIKINA PINAGSUSUOT NG FACE SHIELD

MAGSUSUOT ng face shield ang mga mamamayan ng Marikina subalit hindi mandatory kundi para lang sa mga matataong lugar.

Ayon sa pamahalaang lungsod, optional at walang kaakibat na multa ang hindi pagsusuot ng face shield kundi bahagi lamang ito ng ibayong pag-iingat sa mga matataong lugar.

Gayunpaman, hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang publiko na magsuot ng face shield sa mga matataong mga lugar para magkaroon sila ng dagdag proteksiyon laban sa COVID-19.

Pinapayuhan din ang publiko na patuloy na mag-ingat lalo na at lumolobo ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila dulot ng Omicron variant. ELMA MORALES