TAGA-NCR PLUS NA AAKYAT NG BAGUIO HAHARANGIN

BAGUIO CITY- INIHAYAG ni Baguio City Ma­yor Benjamin Magalong na bawal munang umakyat sa kanilang lalawigan ang mga residente ng NCR Plus upang pigilan ang pagdami ng kaso sa kanilang lungsod.

Kabilang sa NCR Plus ang Metro Manila at karatig lalawigan na Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan na isinailalim sa general community quarantine (GCQ) simula kahapon hanggang Abril 4.

Aminado si Magalong na nangamba silang daragsa ng turista ang lungsod upang magpalamig ngayong Semana Santa na magdudulot para tumaas ang kaso ng COVID-19.

“Because of this recent issuance of Resolution 104 by IATF, we will also make the necessary adjustments… hindi tayo tatanggap ng tourists coming from NCR and some parts of Regions III and IV, specifically Rizal, Bulacan, Cavite, and Laguna…” ani Magalong.

Sa pagtaya ng siyudad, aabot sa 70% ang inaasahang local tourist ngayong Holy Week at ang pagpigil sa mga papasok sa lungsod ay isang paraan upang mapigilan ang galaw ng tao sa nasasakupan.

“That comprises about 70% of our visitors. So we’re expecting a downtrend of our visitors especially this Holy Week and that’s one way of controlling mobility. We need to control mobility,” dagdag ng alkalde. EUNICE CELARIO

2 thoughts on “TAGA-NCR PLUS NA AAKYAT NG BAGUIO HAHARANGIN”

Comments are closed.