‘TAGASANAY NG ISPORT’ SA PSC  ‘RISE UP, SHAPE UP’

ITATAMPOK ng Philippine Sports Commission (PSC) si Gintong Gawad 2021 ‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis sa webisode ng ‘Rise Up, Shape Up’ nito ngayong Sabado, February 5.

Si coach Reyes-Fenis ay nagsilbing FIG Brevet International Judge para sa rhythmic gymnastics. Sinasanay rin niya ang  winning gymnasts kapwa sa national at international competitions at kinikilala bilang outstanding coach sa 2011 Palarong Pambansa.

Umangat siya sa academic ranks, kung saan nagsilbi siyang Master Teacher, Department Chair, at kalaunan ay DepEd Principal sa iba’t ibang  public schools sa lalawigan ng Rizal.

Sinusuportahan ng PSC ang pagpupunyagi at pagsisikap ng sports coaches sa buong bansa sa pagiging partners sa pagsasanay, paghubog at paghasa sa mga atleta.

“The presence of inspiring women in grassroots sports help in PSC’s work with local communities in developing sports excellence and producing top-performing national athletes,” wika ni PSC Women in Sports oversight Commissioner Celia H. Kiram.

Ang ‘Tagasanay ng Isport sa Komunidad’ award ay iginagawad sa isang coach at teacher na ang pagsisikap ay nagbubukas ng pintuan para sa pag-asa at oportunidad na mag-excel ang bawat bata sa isport at buhay.

Ang GINTONG GAWAD ay isang national awards platform upang ipagdiwang at bigyang pugay ang to “ground-breaking, inspiring, notable, timeless, outstanding contributions” sa pagsusulong at pagpapaunlad ng women and sports sa grassroots level.

Nagkakaloob ito ng awards sa Ina ng Isport, Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atletang may Kapansanan, Modelo ng Kabataan; Babaeng Tagasanay ng Isport; Babaeng Lider ng Isport sa Komunidad; Kaagapay ng Isports sa Komunidad; Produktong Pang-Isport na Natatangi at Makabago; at Proyektong Isport Pang-Kababaihan.     CLYDE MARIANO