NAGDIWANG ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Tagaytay dahil sa pagkakadeklarang kauna-unahang lungsod sa Cavite na “Drug Cleared City”.
Sa Resolution No. 47 Series of 2018 ng Regional Oversight Committee para sa implementation ng Barangay Drug Clearing Program, inaprubahan noong Agosto 31, 2018 na idinedeklara ang City of Tagaytay na “Drug Cleared”.
Kinumpirma naman ni Cavite Police Provincial Director P/Senior Supt. William M. Segun kay Calabarzon Regional Director P/Chief Supt. Edward E. Carranza ang pagkakadeklara ng PDEA bilang Drug Cleared Status ng Tagaytay City.
Ginanap ang conferment ceremony ng Drug Cleared Status sa Sigtuna Hall, Tagaytay International Convention Center kung saan dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, opisyal ng barangay, mga estudyante sa City College of Tagaytay at iba pa.
Malugod namang tinanggap ni Tagaytay City Mayor Agnes D. Tolentino ang deklarasyon at nagpasalamat sa pamunuan ng pulisya sa patuloy at walang kapagurang anti-drug operation kaya nakamit ang Drug Cleared Status ng nasabing lungsod.
Base sa Dangerous Drugs Board ng Section 8 ng Board Regulation #3 Series of 2017, para ideklarang drug cleared ang isang bayan o lungsod ay kinakailangan ang mga sumusunod: non-availability of drug supply; absence of drug transit/shipment activity; kawalan ng clandestine drug laboratory; walang clandestine chemical warehouse; at walang drug pusher/dependent.
Nakasaad din sa Board of Regulation ay ang kawalan ng taniman ng marijuana; kawalan ng drug den, dive or resort; walang protector/coddler at financier; aktibong pakikiisa ng mga opisyal ng barangay sa anti-drug activities; active involvement of SK to help maintain the drug liberate status of barangay; existence of drug preventive education and information and other related programs at ang pinakahuli ay ang existence of voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desk. MHAR BASCO
Comments are closed.