TAGAYTAY HIDEAWAY NI ALDEN RICHARDS

MALAPIT lang ang Tagaytay City sa Nasugbu kaya kung gusto naming kumain ng medyo malayo, Tagaytay agad ang pupuntahan namin. At one day nga, naisipan naming tikman ang pagkain sa sikat na Concha’s Garden Café na co-owner pala si Alden Richards. Okay ang aming overall experience. Nag-order kami ng Salmon Belly Sinigang, Pork Belly at Crispy Hito. Masarap lahat.

Nagsimula ang Concha’s Garden Café nang maisipan ng magkaibigang Alden at Gemma Sembrano na magnegos­yo. Magkatulong silang namili ng ilalagay sa menu at eventually, ito na ang pinakasikat na restaurant sa Tagaytay.

Sikat nga ang Concha’s Garden Café, hindi lang dahil pag-aari ito ng sikat na Kapuso actor na si Alden, kundi dahil sa quality food nito. Ayon kay Gemma Sembrano, founder ng negosyong ito, isa sa mga dahilan kung bakit sila dinarayo ay dahil hindi sila gumaga­mit ng vetsin.

Taong 2014 nang magsimula ang Concha’s.

Hindi pa niya partner noon si Alden, pero madalas na raw itong dumalaw sa Silang, Ca­vite na una nilang branch. Hindi raw mukhang restaurant noon ang Concha’s kundi garden na pwedeng bumili ng halaman. Madalas doon si Alden kahit noong bago pa siya sumikat sa AlDub tandem.

Noong 2016, inalok ni Gemma si Alden na maging partner, at hindi naman ito nagdalawang isip. Nagtayo sila ng branch sa Tagaytay City. Nang taon ding iyon, nagtayo sila ng isa pang branch sa Tomas Morato.

Ayon naman kay Alden, pumayag siyang maging partner ni Gemma dahil masarap talaga ang pagkain sa Concha’s. Halos lahat daw ng pagkain dito ay nagiging paborito niya, kaya kahit noong hindi pa siya partner ay dalawa o tatlong beses siyang kumain sa Silang, Cavite.  – NV

70 thoughts on “TAGAYTAY HIDEAWAY NI ALDEN RICHARDS”

  1. 268711 971045Hmm is anyone else experiencing issues with the images on this weblog loading? Im trying to locate out if its a dilemma on my finish or if its the weblog. Any responses would be greatly appreciated. 551886

  2. 413165 810392Hello there, just became alert to your weblog through Google, and located that it is truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate in the event you continue this in future. A great deal of individuals will probably be benefited from your writing. Cheers! xrumer 844159

Comments are closed.