NAIS ibalik ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang ‘glory days’ ng mga maiinit na debate sa Senado. Sa isang panayam ay sinabi ni Enrile na nababahala siya sa mababaw na talakayan ng mga panukalang-batas na tila nagaganap sa Mataas na Kapulungan ngayon.
“Out there in the Senate, where I stayed for 24 years, when I was there, nothing is passed without any debate. Unlike today, they go into a coffee table and they discuss it among themselves and that’s it. That’s not a Senate. That’s not a deliberative assembly of the people’s representatives. A democracy must be open where issues are subject to intellectual dissection,” sabi ni Enrile.
Ayon kay Enrile, nais niyang muling itaguyod ang bukas na diskusyon ng mga panukala sapagkat dapat malinaw sa taumbayan ang mga isyu na makaaapekto sa bansa.
“Nothing is hidden to make the people understand because the people are the ones that will suffer if the representatives make mistakes in their understanding and decisions of any matter that affects them. That, in essence, is the history of my involvement in politics today,” aniya.
Kilala si Enrile sa kanyang mga maiinit na talakayan kontra sa mga dating Senador na sina Miriam Defensor Santiago at Raul Roco. Ang muling pagbuhay sa tagisan ng galing at talino sa Senado, ayon kay Enrile, ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit siya nagpasyang tumakbo.
“I’m not after power. I’ve had it,” ani Enrile, na dati nang gumanap bilang Senate President, Minister of National Defense, Sec-retary of Justice, at customs commissioner sa iba’t ibang administrasyon.
“I had no intention whatsoever to go back to public life, but during the last three years since I left the Senate in 2016, I immersed myself in reading to learn new things and understand what’s going on in our globe”, sabi ni Enrile.
Dahil dito, kanya raw napagtanto na kailangang muling gamitin ang Senado bilang “forum” kung saan tinatalakay ang mga pinakamahahalagang isyu sa bansa at sa daigdig.
Comments are closed.