TAGLE NAGPASALAMAT SA NAGDASAL SA KANYA PARA GUMALING SA COVID-19

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle-5

NAGPAABOT si Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, ng kanyang pasasalamat para sa lahat ng taong nag-alay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Tagle, malaki ang naitulong ng mga ipinaabot na mensahe ng suporta at panalangin ng bawat isa sa kanyang mabilis na paggaling mula sa sakit.

Ipinaliwanag pa ng Cardinal na mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga dumaranas ng sakit dulot ng COVID-19 para sa kalakasan ng loob at pagnanais na gumaling mula sa karamdaman sa kabila ng pag-iisa.

“In my case I am very grateful to the many, many people who pray, assuring you that you are not alone, that’s why I could say for the survival either mentally of those who go through this crisis this connectedness what we call dialogue is important, your existence depends on a rediscovery of the reality that you are not alone,” anang Cardinal, sa kanyang mensahe sa katatapos na 2020 Catholic Educational Association in the Philippines (CEAP) online Congress.

Pagbabahagi pa ni Tagle, bukod sa sakit, ay ang pakiramdam ng pag-iisa ang isa ring kalaban na dapat malagpasan ng mga nahawahan ng COVID-19 na hindi dapat manaig ang negatibong kaisipan tulad ng kawalan ng tiwala sa sarili at takot na makahawa sa kapwa at sa pamilya.

Aniya, mahalagang maramdaman ng bawat isa ang patuloy na ugnayan sa kapwa lalo’t higit sa Panginoon.

“Getting out of the quarantine I realize that really for you to survive you need a deep deep deep sense of interconnectedness, deep sense kasi your enemy will be the feeling that you are isolated, that you are a threat now, that you don’t even trust yourself, that you are a danger to yourself and you could be a danger to others and then you feel like baka nga better nalang to isolate yourself and then the isolation also bothers you but it is the sense that you are interconnected, you are connected to God, ” anang Cardinal.

Matatandaang si Cardinal Tagle ang kauna-unahang opisyal ng Vatican dicastery na nagpositibo sa COVID-19.

Sa Pilipinas, apat na Obispo na rin ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan una ng gumaling sa sakit sina Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo at Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez habang nasawi naman dulot ng kumplikasyon sina Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at Imus-Bishop Emeritus Manuel Sobreviñas. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.