SA ikalawang sunod na taon, nasungkit ng Taguig City ang parangal sa mabisa at maayos na mga programang pang-nutrisyon.
Noong July 31 ay iginawad sa Taguig City ang 2nd Year Consistent Regional Outstanding Winners in Nutrition (CROWN) Maintenance sa 2018 Nutrition Awarding Ceremony sa Philippine International Convention Center, Pasay City.
“It is an honor for our beloved city to receive its 2nd Year CROWN Maintenance Award – an award that serves as a testament to our city’s collaborative hard work in providing quality health programs for our constituents,” ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Isang plaque at cash prize na P200,000 ang natanggap ng Taguig City Nutrition Committee mula sa National Nutrition Council.
Itinuturing na epektibo ang kanilang health project na “Laging Alagaan Nutrisyon ni Inay” kung saan ang mga buntis, lalo na ang mga teenager ay tinuturuan ng tamang diyeta upang masiguro na maayos ang pagdadalantao.
Kasama rin ang “Operation Timbang Plus” (OPT+), na tumutok sa tamang bigat at taas ng mga batang limang taon pababa para masubaybayan ang kundisyon ng kalusugan at maiwasan ang malnutrisyon.
Mula rito ay ipatutupad sa mga nasabing bata ang mga tamang programang magbabalik sa kanila sa normal na kalagayan. Kasama na rito sa programa ang exclusive breastfeeding para sa mga sanggol mula 0 hanggang 6 na buwan, at iba pang mga angkop na complementary feeding program.
Sa kanilang Dietary Supplementation Program, pinakain nang maayos sa loob ng 120 araw ang mga undernourished na kabataan upang gumanda ang kalusugan.
“I am beyond grateful to all those involved that we have achieved this prestigious recognition. With this outstanding collaborative effort, we are now one step closer in achieving the National Nutrition Council’s top award – the Nutrition Honor Award, which will serve as a legacy that our administration never stops its fight against malnutrition,” saad pa ni Mayor Lani.
Makaraang matanggap ang nasabing parangal, hangad din ng Taguig City na makamit ang prestihiyosong Nutrition Honor Award na pinakamataas na pagkilala mula sa NNC.
Una nang natanggap ng Taguig City sa tatlong magkakasunod na taon, 2013 hanggang 2015, ang Green Banner award mula sa NNC-National Capital Region (NNC-NCR).
Comments are closed.