SA lungsod ng Taguig, ang mga bakanteng lugar ay binago at pinaganda upang maging angkop sa pagiging bansag na “probinsiyudad.”
Ang mga lupang dating nakatiwangwang lang at tinatapunan ng basura bago umupo si Mayor Lani Cayetano bilang punong lungsod ay binigyang buhay muli at ginawang maayos na puwedeng bisitahin at pagupalipasan ng oras ng mga tao.
“Nais namin na maging totoo sa bansag na ‘probinsiyudad’ kaya naman napapanatili namin ang balanse sa pagitan ng modernization at tradition, advancement at environment, urban at rural,” ayon kay Mayor Lani.
“Nagiging natural na sa amin na i-convert itong mga unused, bakante o abandonadong mga lupa upang sa gayon ay magbigay ito ng pakinabang at benepisyo sa mga tao at maging akma sa lungsod bilang ‘probinsiyudad,’” ayon sa alkalde.
Kasama sa mga lupain na naisaayos ay ang dalawang parks sa Barangay Lower Bicutan: Taguig Lakefront Community (TLC) Park; at Taguig Integrated Urban Farm.
Ang dumpsite naman noon ay naging TLC Park na ngayon. Isa itong 600 square-meter lot. Ang TLC Park ay pinasinayaan noong 2014.
“Lumilikha po tayo ng mga lugar na kaaya-aya sa mga bibisita kahit sino pa man sila, basta sila ay mapapasaya kasama ang kanilang mga kaibigan o pamilya,” wika pa ni Taguig Manpower Training Center officer-in-charge Maria Anabelle “Bingle” Santos, na nanguna sa pagpapaganda ng mga bagong destinasyon para sa mga Taguigeños.
Ang TLC Park ay lugar kung saan puwede ang iba’t ibang mga aktibidad, libre at walang singil.
Naging paborito na itong lugar kung saan madalas maglaro ang mga kabataan, train ride sa mga bata, biking para sa mga miyembro ng pamilya, film showings sa mga barkada. Ang mga hoopers naman ay puwedeng maglaro dito ng basketball.
Ang mga estudyante naman ay puwedeng mag-aral o magpraktis sa malalawak na lugar.
Ang mga park personnel naman ay regular na nagsasagawa ng afternoon classes para sa mga kabataan na madalas bumisita rito, kung saan itinuturo ang mga lesson sa basic literacy, good manners at kadalasan ang song and dance.
Ang isa pang malaki na land conversion project ay ang 2,500-square-meter farm katabi lamang ng Lakeshore Hall na kilala bilang Taguig Integrated Urban Farm. Ang farm, na inilunsad noong December 2017, ay ehemplo ng paghahalo ng urban at rural na lugar, malayo sa dati nitong itsura nang mata-gal na panahon bago ang administrasyon ni Mayor Lani na tambakan lamang ng basura.
Ang urban farm ay pamamaraan kung saan ang farming ay puwedeng isagawa sa isang siyudad, gamit ang wooden rack at pole gardening. Ang lahat ng ito ay puwedeng mapag-aralan sa isang bamboo classroom na inilaan lamang para sa urban agriculture.
Ito ay mayroong coffee shop at orchidarium na napaliligiran ng mga punong namumunga ng iba’t ibang prutas, mga gulay mula sa kamatis, talong, okra litsugas, kalabasa, repolyo, mustard at iba pa.
Ang mga ani ay hindi napupunta sa basura, ayon pa kay City Agriculture Office officer-in-charge Emelita Solis. “Our produce usually goes to the feeding programs conducted by our local government and, in some cases, to different institutions like Bahay Pag-Asa and Bureau of Jail Management and Penology.”
Ang mga farm ay mayroong sustainability, wise land use, livability at food security para sa mga residente ng Taguig at mga bisita rito, wika pa ni Solis.
“We’re trying to teach people that all this is possible in the city setting,” saad pa ni Mayor Lani. “You can turn neglected spaces into places of engagement or showcases of livability. You can carve out in-city spaces so you can take people’s minds off all the hustle and bustle, and provide them a place to slow down, breathe deep and appreciate life.”
Inaanyayahan ng lungsod ang mga bisita na tumungo sa mga lugar na nabanggit at makaiwas sa busy na lugar ng ibang lungsod.
Ang TLC Park ay matatagpuan sa 393 C-6 Road, at bukas ito mula 7 am hanggang 9 pm araw-araw bukod lamang kung holiday. Ang Taguig Integrated Urban Farm naman ay matatagpuan katabi ng Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan. Kahit hindi mga Taguigeños ay welcome dito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.