Sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na karatig probinsya nitong Lunes, agad na sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamimigay ng food packs sa bawat pamilyang Taguigeño.
Nag-bahay-bahay ang mga miyembro ng Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team upang ipamigay ang sa 28 barangay sa Taguig ang mga ayuda nitong Lunes ng hapon.
Sa kabila ng patuloy na pagbukas ng mga tindahan ng pagkain pati ng mga grocery, restaurant para sa take-out at delivery services, siniguro ni Mayor Lino Cayetano na may darating na stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeño upang hindi na sila lumabas pa ng bahay at ma-expose sa banta ng COVID-19.
“Ngayong nuong linggo ay kailangan nating maging ligtas. Dito po muna tayo sa piling ng mga mahal natin sa buhay, sa ating mga household, sa mga pamilya natin,” wika ni Mayor Lino Cayetano sa mga Taguigeño isang araw bago ang pagpapatupad ng ECQ.
Siniguro rin ni Mayor Lino sa mga residente na ang lokal na pamahalaan ng lungsod Taguig ay patuloy na magbibigay kalinga sa mga tao. “Sa aking mga kababayan, dito sa lungsod ng Taguig, patuloy po ang pangangalaga namin sa inyo. Bayanihan po tayo. Ang lungsod natin ay kilala sa pagkalinga at pag-aaruga ng isa’t isa.”
“The City Government will always be here for those who need it the most,” dagdag ni Mayor Lino.
Ang Taguig City stay-at-home food packs ay kumpletong magbibigay ng supply ng tatlo hanggang limang araw para sa pamilyang may limang miyembro. Kasama rito ang bigas, mga delata, kape, energy drink at hygiene/anti-COVID kit na may kasamang face masks, face shields, alcohol at sabon para masiguro na protektado ang mga tatanggap nito laban sa COVID-19 virus.
“Itong one week na ito ay makakatulong sa atin para lalong mapababa ang ating mga kaso sa lungsod. Ang Taguig ay patuloy na may lowest number ng active cases sa buong Metro Manila. At naniniwala ako, pag tayo’y nagtulungan, kaya rin natin babaan pa lalo,” saad pa ni Mayor Lino, dagdag pa nito na importanteng bahagi ito ng #RoadToZero campaign ng Taguig LGU.
167616 267362Aw, this was a actually good post. In idea I would like to put in writing like this furthermore – taking time and actual effort to make a quite great article but what can I say I procrastinate alot and by no indicates appear to get something done. 242408
920873 645567Really nicely written story. It will likely be valuable to anyone who usess it, including yours truly . Keep up the good work – canr wait to read much more posts. 86069
706527 586559Actually instructive and superb structure of articles, now thats user friendly (:. 795493
874816 269951You might be websites successful individuals, it comes effortlessly, therefore you also earn you see, the jealousy of all of the ones plenty of journeymen surrounding you can have challenges within this challenge. motor movers 766109
258746 304240There is noticeably lots of funds to comprehend this. I assume you made certain nice points in attributes also. 953161