(Taguig maagang namahagi ng P4K) CASH AID SA TODA, JODA AT PODA, DAGDAG NA P4K IBIBIGAY SA SUSUNOD NA BUWAN

CASH AID

NAGSIMULA nang makatanggap noong Abril 2  ng P4,000 na tulong pinansiyal ang mga drayber ng traysikel, jeep, at pedicab ng Taguig bilang tugon pamahalaang sa epekto ng kuwarantenas dulot ng COVID-19.

Sa unang pagbibigay na isinagawa sa , halos 700 kasapi ng SUBTODAI, UBTODAI, BCBTTODA, UBTSA and MPC, and CBDCUBTODA ang nakatanggap na ng kanilang P4,000 tulong pinansiyal.

Ginawa ang distribusyon ng per batch at mahigpit na nagpatupad ng social distancing upang masiguro ang kaligtasan ng mga drivers.

Ang natitirang miyembro ay inaasahang matatatanggap nila ang kanilang P4,000 sa susunod na mga araw.

Mahigit sa 15,000 miyembro ng mga asosyayon ng traysikel opereytor at drayber (TODA), jeepney opereytor at drayber (JODA) at pedicab opereytor at drayber (PODA) ang tatatanggap ng ayudang ito mula sa pamahalaang lungsod.

Inaasahang makasasapat ang P4,000 sa mga pangunahing gastusin ng pamilya sa gitna ng pandemyang COVID-19. Hiwalay na tulong ito sa food packs na nauna nang ipinamahagi ng Lungsod ng Taguig.

“Laking pasalamat namin tulong na ito mula sa Taguig City government. Malaking bagay dahil hindi lang isang buwan kundi dalawang buwan matutulungan kami at an gaming mga pamilya,” saad ni Arvin Penolio na presidente ng UBTODAI.

Ayon kayo Penolio, tanggap niya kung bakit pinagbabawal muna ang pamamasada dahil sa enhanced community quarantine.

Tumutulong din ang transport sector sa pagdisinfect ng mga pamayanang sakop ng kanilang ruta, gamit ang sprayers na ibinigay ng pamaha-laang lungsod.

Ang ayudang ito para sa transport sector ay isa lamang sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang makapag-abot ng tulong sa mga residente sa panahon ng enhanced community quarantine. Nakapagbigay na rin ang lungsod ng mga stay-at-home family food packs at ng anti-COVID 19 kits sa komunidad.

Nitong Abril 1, 2020, ang pamahaalang lungsod ay nakapamahagi na ng 104,612 stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeños.

Ang food packs ay sapat sa 3-4 na araw sa pamilyang may 5 miyembro.

Naipamahagi ng Lungsod Taguig ang 54,904 anti-COVID 19 kits sa mga senior citizens, mga PWDs, at ang mga taong mahina sa sakit. Ang kit ay naglalaman ng mga bitaminang aabot hanggang sa 30 na araw, masks, mga antibacterial na sabon, at mga materyales na naglalaman ng impormasyon sa tamang pag-hugas ng kamay, paano mag-linis ng kanilang tahanan at kapaligiran, at iba pang mahahalagang impormasyon na kailangan malaman ukol sa sakit na COVID-19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.