TAGUIG PINAKAMARAMING KASO NG COVID-19

NAITALA ng Taguig City ang may pina­kamaraming kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa loob ng isang araw nito lamang nakaraang Sabado (Oktubre 9).

Ito ay napag-alaman kay Dr. Guido David ng OCTA Research base sa datos ng Department of Health (DOH).

Ayon kay David, nakapagtala ang Taguig ng 466 bagong kaso ng COVID-19 nitong Oktubre 9, ang pinakamataas na bilang sa lahat ng local government units (LGUs) sa bansa.

Sa top 20 ay sinundan ito ng Quezon City na may 451 kaso; Baguio sa Benguet, 255; Davao City sa Davao del Sur, 197; Manila, 145; Zamboanga City sa Zamboanga del Sur, 141; Marikina, 139; Dasmarinas sa Ca­vite, 137; Cauayan sa Isa­bela, 130 at Bacolod City sa Negros Occidental, 125: Iloilo City sa Iloilo, 111; Caloocan City, 109; La Trinidad sa Benguet, 107; Mandaluyong City, 100; Santiago City sa Isa­bela, 99; Antipolo City sa Rizal, 94; Paranaque City, 90; Bayombong sa Nueva Vizcaya, 90; Valenzuela City, 89 at Pasig City na may 84 kaso ng COVID-19.

Sinabi ni David na mula Oktubre 2 hanggang 8, ang seven-day average ng mga bagong kaso sa Metro Manila ay umabot sa 2,140 na bumaba ng 41 porsiyento mula 3,627 kaso mula naman ng Setyembre 25 hanggang Oktubre 1 samantalang ang bilang naman ng reproduction sa NCR ay 0.61 na bumaba din sa 0.81 ng naunang linggo.

Ang average daily attack rate (ADAR) sa per 100,000 populasyon sa NCR ay 15.32 na bumuti din mula 25.97 ng nakaraang linggo.

Kasabay nito, ang isang linggong growth rate ay bumaba ng 41 porsiyento kumpara sa ibinaba na 17 porsiyento noong panahon ng Set­yembre 25 hanggang Oktubre 1 kung saan inilagay ng OCTA Research ang NCR sa klasipikas­yon ng moderate risk mula sa dating high risk.

Base naman sa datos ng Taguig CESU ay nakapagtala ang lungsod ng 735 aktibong kaso kabilang na ang 276 bagong kaso ng COVID-19 mito lamang Oktubre 8.

Sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay umabot na sa 47,843 pasyente kung saan 46,759 sa mga ito ay naka-recover na habang 349 naman ang mga namatay sa virus.deaths. MARIVIC FERNANDEZ

8 thoughts on “TAGUIG PINAKAMARAMING KASO NG COVID-19”

  1. As I am looking at your writing, casinocommunity I regret being unable to do outdoor activities due to Corona 19, and I miss my old daily life. If you also miss the daily life of those days, would you please visit my site once? My site is a site where I post about photos and daily life when I was free.

  2. 513870 242636I discovered your blog internet site on google and verify some of your early posts. Continue to sustain up the superb operate. I merely extra up your RSS feed to my MSN News Reader. Searching for forward to reading extra from you in a even though! 318501

  3. 545571 832215Hi, you used to write excellent articles, but the last several posts have been kinda boring I miss your super writing. Past several posts are just just a little out of track! 230589

Comments are closed.