Mula kagabi ay bahagya nang bumagal ang mga kalsadang nakakonekta papasok sa Metro Manila.
Ito ay dahil bumalik na ang mga nagbakasyon sa kani-kanilang probinsiya para sa paggunita sa Undas.
Hanggang kaninang madaling araw, ay marami-rami pa ring sasakyan sa North Luzon Expressway gayundin sa South Luzon Expressway.
Back to reality, kung gaano ka-excited sa pag-uwi para dalawin ang mga puntod ng yumaong mahal sa buhay, maka-reunion ang mga kamag-anak, kababata, kaibigan at dating mga kapitbahay, ganoon din ang pagbabalik sa Metro Manila para naman sa pagpasok sa trabaho.
Kaya naman todo alerto ang lahat ng awtoridad o law enforcement agencies sa pangunguna ng Philippine National Police.
Upang matiyak na ligtas ang mga biyahero.
Subalit bakas naman sa mga nagbakasyon ang ma-refresh.
Umaasa kaming matagumpay ang Undas reunion sa sementeryo ng bawat isa.
Dahil sa sementeryo, talagang makikita mo ang matagal nang kamag-anak, kaklase, kapitbahay, kababata at kaibigan.
Sa mga pabalik sa Metro Manila, hangad namin ang ligtas na paglalakbay.