May magandang kinabukasan na naghihintay sa Filipinas.
Nakapapanabik na ito ay makamit ng Lahat.
Sa pagtaya ng mga Eksperto, Ekonomiya ng Bansa ay tataas
Sa susunod na apat na taon, Maaabot itong Tiyak.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno…
Ekonomiya ng Filipinas sa Asya ang pinakamabilis Lumago!
Posible aniya ang Pito hanggang walong Porsiyento
Pagsigla ng kabuhayan, kasabay ng pagdami ng Trabaho.
May malaking bahagi rito ang Sektor ng Agrikultura
Dahil sa mga ipinatutupad na mga Reporma…
Bukod pa sa pagpapalawak sa mga Industriya…
Nasa mga lalawigan na ngayon bukod pa sa Metro Manila.
Ipinagmamalaki rin ng Department of Finance sa kabilang dako… ang ekonomiyang lumalago
Kapag naisakatuparan na aniya ang mga Pangako…
Iba’t ibang bansa sa Filipinas maglalagak ng Negosyo.
Hindi na ito bago dahil 2018 pa ay sinimulan na ang mga ito!
Nakahahanga at sadyang nakaMamangha…
Kung pagbabatayan sa paglakas ng ekonomia ay ang mga itinala
Gayunman, bagamat datapuwat…
Mararamdaman ito kung ang mga trabaho para sa Masa ay dadagsa.
Kung patuloy na darami ang mga konstruksiyon kabi-kabila
Bigyang prayoridad ang mga Filipinong Manggagawa…
Trabaho ay sa kanila ipagkaloob at ipagkatiwala…
Sa halip na mga Banyaga ang sa Filipinas ang dadagsa.
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.