TAGUMPAY ang kauna-unahang Filipino na pumasok sa e-commerce na may kaugnayan sa ‘digital market place’.
Ang bagong manlalarong Pinoy na may business name na VeMoBro ay nagsimula nang makipag-usap o makipanegosasyon sa mga malalaking negosyo at foreign e-commerce business upang makapasok sa platform ng mga mamimili at nagbebenta sa bansa sa online at naglalayong matulungan ang mga negsoyanteng makabawi mula sa pagkalugi sanhi ng pandemyang COVID-19.
Bihira sa mga negsoyante sa larangan ng e-commerce sa kasalukuyan ang may ginintuang puso para tulungan ang maliliit na mangangalakal.
“Alam ko na mahigpit ang tunggalian ng negosyo sa e-commerce, subalit nais kong tulungan na makaahon ang mga maliliit na manganggalakal na dumanas ng lugi sanhi ng pamiminsala ng COVID-19, laluna sa kalahi nating Pinoy upang makabawi,” pahayag ni VeMoBro founder at Chief Executive Officer Vergil Bargola.
Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay malaki ang suliraning kinakaharap sa papasok na taong 2021 dahil halos 80 porsiyento ng mga negosyante ay nakaporma na para ideklara ang mga nawala o naluging puhunan nila ngayong taon ito sapul nang manalasa ang COVID-19.
Aminado si BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay na malaking sulirnin ang kanilang kakaharapin sa papasok na taong 2021 sa pagkalugi, pagkaubos ng puhunan at pagsasara ng mga negosyo dulot ng pandemya.
“Alam ba ninyo na sa tuwing nagbebenta at bumibili ka ng isang partikular na item sa website ng VeMoBro, tinutulungan mo na makabawi at umunlad ang ekonomiyang bansa?” ani Bargola.
Ito, aniya, ay sa kadahilanang ang ibang mga website ng e-commerce ay hindi maaaring gumawa ng eksaktong pareho lalo na kung ito ay pagmamay-ari ng isang dayuhang kompanya o nakalista sa isang foreign exchange.
Ang VeMoBro ay isang seamless na proseso para sa mga nagbebenta online upang makasakay sa platform. Pinahusay nito ang paghahatid ng serbisyo sa mga tao o kliyente nito, maging sa lokal o merkado sa ibang bansa.
Sa alok na tulong ng VeMoBro sa maliliit na negosyante, kaya nitong mabilis na makabawi sa tinamong lugi sa negosyo sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan tulad ng cash on delivery, online banking, e-wallets GCash, GrabPay, Coins.Ph at DragonPay.
Ang kainaman nito, naglagay ang VemoBro ng mga hakbang upang matiyak na walang mga pekeng produkto ang naibebenta at walang mga scam sa platform nito dahil sa e-commerce security measures na taglay nito.
“Sa VemoBro, magkakaiba ang galaw namin. Hindi lamang namin inuuna ang kita, kundi pati na rin ang mga tao — at nangangahulugan iyon ng pamumuhunan,” sabi ni Mr. Bargola.
Pero para kay BIR Commissioner Dulay, walang dapat problemahin kung seryosong gagampanan ng mga kolektor ng Kawanihan ang kanilang tungkulin para sa kapakanan ng bayan, lalo na ngayong ang bansa ay humaharap sa krisis pangkalusugan at sa pagbangon ng ekonomiya.
Mas matinding suluranin ang kakaharapin ng BIR sa huling yugto ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 na tinatayang nasa P3.312 trilyon ang tax collection goal o mas mataas ng 12.49% kumpara sa tax goal ng 2021.
Paniwala ng BIR, tulad ng VeMobro at iba pang e-commerce, makakaahon din at makababawi ang mga maliliit na negosyante para muling mabuhay ang kanilang kalakal sa papasok na taong 2021.
Kaya naman bago pa ang Kapaskuhan ay pinulong na ni Commissioner Billy sa isang Zoom conference sina Metro Manila BIR Regional Directors Romulo Aguila, Jr. (East NCR), Albino Galanza (Quezon City), Jethro Sabariaga (City of Manila), Gerry Dumayas (City of Caloocan), Glen Geraldino (South NCR) at Maridur Rosario (City of Makati) para paghandaan ang massive tax collection activities sa papasok na 2021 para makuha ang bagong tax collection goal.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.