PINULONG ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Chief of Mission William ‘Butch’ Ramirez ang kanyang deputies kasama ang mga commissioner para malawakang talakayin ang mahahalagang bagay kaugnay sa nalalapit na Southeast Asian Games.
Nais ni Ramirez na masiguro na magiging maayos at matagumpay ang biennial meet na gaganapin sa bansa sa ika-apat na pagkakataon, ang una ay noong 1981, na sinundan noong 1991 at 2005.
“SEA Games is few months away. We have to double our efforts mapping out strategic plans, iron out minor problems and grey areas to ensure the competition runs smoothly and show to our neighbours in the region Philippines is no stranger to hosting international sports competition and regional event,” sabi ni Ramirez.
Aniya, ang tagumpay ng SEA Games ay tagumpay ng bawat Filipino.
“This is a coordinated efforts not credited to just one man. The success of the SEA Games is also the success of the Filipino people behind the spirit of unity, solidarity and cooperation,” wika ni Ramirez.
“No mountain or barrier can stop us from pursuing and achieving the goal and international commitment if we solidly stand united and resilient,” dagdag pa niya.
Regular na nakikipag-ugnayan si Ramirez kina Phisgoc chairman at Speaker Alan Peter Cayetano, bagong Philippine Olympic Committee (POC) president at Philippine Cycling Federation head Cavite Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, sa kanyang deputies, kasama si Seoul Olympian Stephen Fernandez at mga personalidad na may kaugnayan sa SEA Games upang kunin ang kanilang mga suhestiyon at inputs para masiguro ang tagumpay ng Games.
“I talk to them every now and then, listen to them and discuss with them comprehensively all salient matters related to SEA Games,” ani Ramirez.
May 56 sports, kasama ang medal-rich athletics at swimming, ang lalaruin sa Games kung saan 523 medalya ang paglalabanan ng mahigit 11,000 atleta na magpapasiklaban sa 11-day competition. CLYDE MARIANO
Comments are closed.