KAHANGA-HANGA ang ulat na matagumpay na nakumpleto ni US Billionaire Jared Isaacman ang kanyang kampanya na maglakbay sa kalawakan.
Buong mundo ay pinuri at nagbigay ng pagbati sa kanyang kauna-unahang civilian spacewalk para sa Polaris Dawn.
Kasama ni Isaacman sa pinakadelikadong space mission sina Retired US Air Force Lieutenant Colonel Scott Poteet at mga empleyado ng Space X na sina Sara Gillis at Anna Menon.
Makikita sa video na inilabas ng kompanya na naunang naglakad sa kalawakan si Isaacman at sinundan siya Gillis.
Sapol sa mga video footage ang exciting part na paglalakad nina Isaac.
Sa kasaysayan, si Isaacman ang unang sibilyan na nakaikot sa kalawakan sa taas na 435 milya sa taas ng mundo.
Ang Polaris Dawn naman ang siyang nagtala ng pinakamataas na pag-ikot sa mundo habang sina Gillis at Anna Menon naman ang kauna-unahang babae na nakabiyahe ng pinakamalayo sa labas ng mundo.
Ito rin ang itinuturing ng pinakamalayong biyahe ng tao sa kalawakan matapos ang Apollo Program ng NASA noong 1972.