ISINELEBRA ng Philippine Army Support Command (ASCOM), sa ilalim ng liderato ni Maj. Gen. Glenn E. Cruz, ang kanilang ika- 51 founding anniversary nitong Biyernes kung saan ang theme ay “51 Years of Sustaining the Force, Providing Selfless Service Towards a Stronger Philippine Army” .
Ang selebrasyn ay isinagawa sa ASCOM Multi-Purpose Hall sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Pinangunahan ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., ang pagdiriwang habang tampok ang pagpaparangal sa mga natatanging ASCOM officers, staff, at civilian human resource.
Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Brawner na kapuri-puri ang pagganap ng ASCOM units sa panahon ng pandemya at hindi nagpatalo sa mga hamon.
Tinukoy din ni Brawner ang mga nagawa ng ASCOM unit para gapiin ang mga terorista na kumubkob sa Marawi City noong 2017 at ang maging ang logistics sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette noong isang taon.
“I commended the crucial role of ASCOM units in supporting ground forces in the military’s five-month campaign to defeat ISIS-inspired terrorists that occupied Marawi City in 2017 and its deployment of 21 military trucks that delivered aid to Odette-hit areas in the Visayas and Mindanao late last year,’ bahagi ng statement ng Army.
“As Team ASCOM commences another year of service guided by the virtues of servant leadership, may you continue to steer the Army towards greater organizational success,” dagdag pa ni Brawner.
EUNICE CELARIO