TAHANAN NG SENIOR COUPLE ‘INILAWAN’ NG PULIS

IFUGAO- HINDI lang panlaban sa kriminal, pang-kawanggawa pa ang Philippine National Police (PNP).

Pinuri ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang mga tauhan ng Ifugao Provincial Mobile Force sa pagtulong ng mga ito para makabitan ng kuryente ang tahanan ng mag-asawang senior citizen sa bayan ng Lamut.

Sinabi ni Eleazar na magandang ehemplo sa mahigit 220,000 police force sina Corporals Amelyn Buyagan at Joefrey Bimmactad nang tulungan ng mga ito sina Lolo Pedro at Lola Maria na makabitan ng elektrisidad mula sa Ifugao Electric Cooperative ang bahay ng mga matatanda sa liblib na lugar na Brgy. Holowon.

Nabatid na matagal nang nagtitiis ang mag-asawa sa kawalan ng elektrisidad at nakararaos lamang gamit ang solar lamp para may liwanag.

Sa ilalim ng proyektong Adopt a Grandparent ng Ifugao Provincial Police Office, tinulungan ng dalawang pulis ang mga matatanda sa pagkuha ng materyales gaya ng kawad, bombilya at iba pa para sa installation nito.

Bukod sa pagkabit ng kawad ng kuryente ay binigyan pa ng pulisya sina Lolo Pedro at Lola Maria ng grocery items.

“This is the simplest way we can repay our erderly for their contributions to the development and growth of the next generation,” ayon kay Eleazar. EUNICE CELARIO

4 thoughts on “TAHANAN NG SENIOR COUPLE ‘INILAWAN’ NG PULIS”

Comments are closed.