RUMEREPEKE na naman ang boses ni dating pangulong Benigno Simeon C. Aquino, III.
Dumepensa sa mga hambalos kay VP Leni.
At todo-sawsaw sa pagkilos na palayain ang senadorang inakusahang nakipag-jamming sa druglords sa kalakalan ng ilegal na droga
Si Ma’am Leila de Lima.
At sumasabay sa mga isyung binabatikos ng kapanalig na ‘yellow gangland spirits.’
Bakit kaya?
Bakit kaya biglang ‘enter da Noynoy’ sa mga kiskisan sa politika, ha?
Nangalingasaw 2022 na ba, Suki?
Hiya naman ako.
Kasi ang problema na kanilang binabatikos ay sila rin ang may likha. Mismo!
Gusto mo bang isa-isahin ko, Suki?
Ang ilegal na droga.
Na kinasadlakan ni Sen. de Lima.
Ang trapik.
Na pinalubha ng mga ‘dilawang gumasgas’ sa pondo ng DOTR noon.
Ang kakulangan ng klasrum?
Remember ba n’yo ang ‘K to 12,’ Suki?
Likha ‘yan ng mga henyong dilawan?
Ngayon, ito ang tanong ko, Suki:
“Saan kayo humugot ng kapal ng mukha na hambalusin si Boss Digong sa mga isyu na alam ninyong naging bahagi kayo ng problema?”
Tunog Noynoy ba, Suki?
oOo
Kung anoman ang tunay na kuwento kung bakit biglang umeksena ang dating pangulo ay siya lang ang nakaalam. At ang mga kapanalig na dilawan.
Pero para sa hamak na mangkokolum na ito ay mas pormang onorabol pa sana ang nag-gradweyt na presidente keysa nagbalik-sawsaw sa politika.
Sa ngayon kasi, Suki, ay wala nang puwedeng ipangako pa ang noon ay tinawag na PNoy.
At lalo namang wala siyang puwedeng ipangako pa para sa kinabukasan. Mali ba ako?
Kasi bistado na siya ng lahi ni Juan.
Derpor, ano ang rason ng kanyang mga repeke?
Upang dumagdag ba sa boses ng mga naghaha-ngad na gibain si Pangulong Duterte?
Tingin ko’y hindi naman, Ano lang, Suki, resbak lang kay Pangulong Duterte sa sinabi nitong wala siyang tiwala kay VP Leni dahil madaldal ito.
Hindi ko gusto “the way her mouth behaves.”
Si Boss Digong ‘yon. Ha-ha-ha!
Comments are closed.