TAHO GIRL SA BI CELL NAKA-PADLOCK

Jiale Zhang

MAYNILA – ILANG oras lamang nakalaya ang Chinese student na si Jiale Zhang, ang babaeng nansaboy ng taho sa isang pulis dahil nakakulong  ito sa Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, na armado ang kanilang operatiba ng Mission Order na pirmado ni BI Commissioner Jaime Morente upang mapakustodiya nila si Zhang Jiale, 23, dahil sa paglabag sa Immigration Law.

“Zhang has already been charged as an undesirable alien for posing as a risk to public interest,” ayon kay Sandoval. “The incident showed her disrespect towards persons of authority, which in turn shows her disrespect to the country,”  dagdag pa nito.

Bukod sa deportation, si Zhang ay nahaharap din sa pagkaka-blacklisted kung saan ireresolba ang kanyang kaso nitong darating na linggo.

Matatandaan na nag-viral sa social media si Zhang matapos nitong tapunan ng taho si PO1 William Cristobal na pinigil itong makapasok sa MRT station dahil sa pagdadala ng inumin. Matapos siyang kasuhan ng direct assault, disobedience to an agent of a person in authority at  unjust vexation  ay nagbayad ito ng piyansa sa Mandaluyong City prosecutor’s office.

Paliwanang ni San­doval  na iba ang kanyang kaso sa korte at iba rin sa Immigration. “Her court case will run inde-pen­dent from her immigration case,” ayon kay  Sando­val.  “If found deportable, we will wait for the resolution of her court case before implementing the deportation,”  paliwanang pa nito.         PAUL ROLDAN/   FROILAN MORALLOS