TAHONG MABIBILI NA ULIT SA BATAAN MARKET

TAHONG

MABIBILI na ulit ang tahong sa mga palengke sa lalawigan ng Bataan  matapos na alisin ang shellfish ban  dahil sa red tide.

“Ngayon okay na, wala nang red tide sa Bataan. Maraming salamat,” pahayag ni Clarissa Boyo,  tahong vendor sa nasa-bing lugar.

Ibinebenta nito ang tahong sa halagang P100 isang galon.

Naglabas ng shellfish advisory ang  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)   para sa coastal waters sa mga bayan ng Orani, Samal, Abucay, Pilar, Orion, Limay, at Mariveles at  sa  Balanga  na ligtas na sa redtide toxin.

Ang mga sample na kinuha  sa   area sa tatlong sunod na linggo ay napatunayang negatibo sa  paralytic shellfish poison.

Dahil dito ay pinapayagan na ang pagkuha  at pagbebenta ng mga lamandagat sa Bataan.

Noong Nobyembre  24, 2018, nag-isyu  ng shellfish ban ang  BFAR  dahil sa red tide sa Bataan.