INIANUNSIYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bukas na ang Taiwan para sa overseas Filipino workers (OFWs) simula Pebrero 15.
“We thank Taiwan for welcoming once more our kababayan in their various employment industries starting February 15. This is a valuable post-Valentine gift to our OFWs and their families,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
“Over the past years, our OFWs’ excellence in various industries in Taiwan have been receiving commendations from their employers. We also laud Taiwan’s continuing review of its labor rules to protect migrant workers’ rights, including the Filipinos,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Philippine Overseas Labor Office-Taipei Labor Attaché Cesar Chavez na ito ang ikalawang yugto ng Migration Project kung saan papayagang makapasok sa Taiwan ang mga migranteng manggagawa, kabilang ang mga Pilipino.
Ayon pa kay Chavez, ang mga migranteng manggagawa, kabilang ang mga OFW ay dapat na mahigpit na sumunod sa mga alituntunin ng Central Epidemic Center ng Taiwan.
Kinakailangan pa ring sumailalim sa 14-day ang mga migrant workers na papasok sa bansa. LIZA SORIANO