Taiwan that I want

HINDI  ito ang una kong pagdalaw sa Taiwan, at hindi ko nakaugaliang ulitin ang pagpunta sa bansang napuntahan ko na, ngunit naakit ako sa napakagandang tanawin dito.

Ang mga lugar, tulad ng Taroko National Park, Mount Alishan at Sun and Moon Lake, ay hindi mo pagsasawaang titigan. They are well worth a visit in its own right.

Safe and Welcoming ang mga komunidad dito. Kilala ang Taiwan sa safety and hospitality, kaya nga maraming OFWs ang nagaganyak magtrabaho dito. Ayon sa Global Peace Index, isa ang Taiwan sa pinakaligtas na bansa sa buong mundo.

Tulad ng iba pang mga bansa sa Asia, densely populated ang Taiwan, at highly developed ang economics, technology, at transport. Highly educated at well travelled din ang mga Taiwanese. Gayunpaman, naapanatili nila ang kanilang exotic cultures, gayundin ang mga makapigil-hiningang tanawing matatagpuan sa mga bulubundukin.

Sikat din ang Taiwan sa night markets at street food, kaya binisita ko rin ito at nakikain, dahil ito raw ang top tourist attraction ng Taiwan. In fairness, masarap ang street food nila.

Syanga pala, mura ang mga gadgets dito dahil Taiwanese companies ang nagma-manufacture n& halos 70 percent ng pandaigdigang semiconductors, at around 90 percent ng most advanced chips. Kaya bumili ako ng bagong cellphone. Kung hihinto ang Taiwan sa production ng chips, walang alin mang bansa sa mundo ang makakapalit sa kanilang production skills sa maikling panahon lamang.

Ang Taiwan ay tahanan ng diverse natural landscapes, mula sa berdeng kabundukan dahil hindi pa nakakalbo, Hanggang sa napakalinis na coastal beaches. Kilala rin ang Taiwan sa mga hot springs, hiking trails, at scenic national parks. At Isa nga sa most iconic natural landmarks ng Taiwan ay ang Taroko Gorge, isang kagila-gilalas na marble canyon na matatagpuan sa Taroko National Park.

Hindi lamang iyan! Maraming nagsasabing Taiwan ang may pinakamatandang universal health-care system sa buong mundo. Kahit sinoglng legal residents ng bansa ay pwedeng kumunsulta sa mga espesyalista. Centalized ang record ng pasyente kaya kahit sinong duktor, kahit pa sa probinsya, ay madaling maa-accesd ang medical record via smart card. Pwedeng kunsultahin kahit sinong duktor at makakapag-prescribe sila ng Chinese medicine o kahit pa ng Western prescription drugs.

Ang isang interesting fact tungkol sa Taiwan ay ang kanyang mga bulubundukin; mahigit 200 bundok ang may taas na higit pa sa 3,000 meters, kaya geographically speaking, sunique talaga ang Taiwan.

By the way, hindi kumpleto ang pagbisita sa Taiwan kung hindi papasok sa templo. Hindi ang Longshan ang pinakamalaking templo sa Taipei, pero may kakaiba itong panghalina at malapit pa sa MRT kaya napakapopular lalo na sa mga turista. Napakagandang lugar na puntahan lalo na kapag nag-aagaw ang dilim at liwanag, at tamang tama ito para sa tahimik na pagdatadal. Lahat ng klase ng tao ay matatagpuan dito, mayaman man o pulubi. Parang Quiapo. Meron ding mga manghuhula gamit ang traditional bua buei blocks. Para kang hinihipnotismo sa templong ito, lalo na kung tatamaan ka ng sinag ng papalubog na araw, na nanibigyang diin pa ng is ok mula sa mga insenso sa incense urns. Feeling mo, isa kang engkantadong bumaba sa lupa, at feeling mo, supernatural ka.

Maraming marami pa akong gustong ikwento ngunit kapos ang espasyo. Basta, Taiwan is the place that I want aside from the Philippines.