TAIWANESE HULI SA TAMPERED PASSPORT

passport

PASAY CITY – INARESTO ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Taiwanese fugitive dahil sa paggamit ng tampered na Filipino passport.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Huang Chung-Chia, 33-anyos at nasakote ito ng mga tauhan ng BI noong Biyernes habang paalis o palabas ng bansa.

Ayon kay Morente, pasakay itong suspek sa kanyang flight papuntang  Phnom  Penh, Cambodia nang maaresto ng mga taga-BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) sa NAIA Terminal 1.

Nabatid na itong si Huang ay mayroong pending deportation case dahil sa kahilingan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) upang kaharapin nito ang kanyang kasong  fraud na naka-pending sa Taichung district pro­secutor’s office sa  Taiwan.

Ayon naman sa pahayag ni BI NAIA 1 TCEU chief Glenn Ford Comia, nagpanggap itong suspek na siya si Louis Go Lu gamit ang passport, Tax Idenfication Number ID, at voter’s ID.

Ngunit nadiskubre ang kanyang modus makaraang magsu­mite ito ng non-professional driver’s license na nakapangalan sa kanya maging ang date of birth nito.

Sa imbestigasyon, inamin nito na isa siyang Taiwa­nese, at binili niya ang kanyang ­Philippine passport sa halagang P130,000 sa isang hindi niyang kilalang fixer.

Nadiskubre rin ng mga imbestigador na si Huang ay isang overstaying alien na dumating sa bansa noon pang Hunyo 2018 bilang isang turista sa bansa. FROI MORALLOS

Comments are closed.